Pinoy sa Singapore positibo sa COVID-19

Isang Pinoy ang nagpositibo sa novel coronavirus, na siyang unang kaso sa Singapore.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nasa isolation na ang Pinoy sa National Centre for Infectious Diseases ng Singapore at mino-monitor ang kalagayan nito.

Nitong Linggo, umabot na sa 89 ang kumpirmadong kaso sa Singapore at nasa 2,458 na ang namamatay sa buong mundo dahil coronavirus.