Ligtas na ang Pinay household worker na tinamaan ng coronavirus sa Hong Kong at inaasahang makakalabas na ng hospital ngayong linggo.
Ang 32 taong gulang na babae ay nag-negatibo na sa virus, ayon kay Consul General Raly Tejada.
Nagpositibo ang OFW kasama ang kanyang employer.
Mayroon pang tatlong Pinoy ang nasa quarantine at inaasahang makakauwi na rin ngayong linggo.