Pinoy sa cruise ship na nasa Japan, positibo sa nCov

Diamond Princess Cruise Ship JapanMahigit 3,700 katao ang stranded sa isang cruise liner sa Japan matapos makumpirma na 10 sa mga pasahero, kasama ang isang Pinoy, ay nagpositibo sa coronovirus.

Ito ang unang Pinoy na nagpositibo sa coronavirus.

Kailangan pang manatili ng dalawang linggo sa Diamond Princess cruise ship sa Yokohama Port ang mga pasahero nito na sumasaialim sa quarantine.

Lahat ng pasahero sa nasabing cruise ship na ay makakatanggap ng full refund at cruise credit.