Pinoy pop star Maricris buntis na

Buntis sa kanyang panganay si singer Maricris Garcia kasama ang non-showbiz husband nito na si TJ Cruz.

Binahagi ni Maricris ang kanyang positive pregnancy test sa Instagram.

Maricris Garcia pregnancy test

“Walang mapagsidlan ang aming tuwa! Sa wakas, dininig Niya ang matagal na naming dasal. Ngayon palang mahal na mahal na kita,” caption nito sa kanyang post.

Ilan sa mga celebrities na bumati sa “Pinoy Pop Superstar” champion ay sina Yasmien Kurdi, Ruru Madrid, Max Collins at Aicelle Santos na miyembro ng Kapuso girl group ‘La Diva.’