Good news sa mga Pinoy nurses ang hatid ngayong taon ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Ito ay may kaugnayan sa isanlibong mga nurses na kakailanganin ng Germany para isakatuparan ang kanilang Triple Win Project sa 2020.
Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na nais ng Federal Republic of Germany na tumanggap ng karagdagang Pinoy nurses upang matugunan ang pangangailangan nito para sa mga healthcare professionals sa ilalim ng Triple Win Project, isang government-to-government hiring program na pinamamahalaan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).
“It has been six years since the Philippines and Germany started cooperation on the placement of our Pinoy nurses. I am confident that for 2020, this partnership under the Triple Win Project will provide improved and streamlined application process, and more importantly, ensured protection to our nurses,” pahayag ni Bello.
Kikita ang bawat Pinoy nurses na makakapagtrabaho sa Germany ng mula € 2,000 hanggang sa € 2,400.
Ihahayag sa mga susunod na araw ang mga detalye para sa aplikasyon.