Pinoy napagkamalang Chinese, binully sa Italy

Isang overseas Filipino worker (OFW) ang napagkamalang Chinese national at inatake ng isang Italiano sa gitna ng coronavirus outbreak sa Europa.

Si Khloe Sison na nagtatrabaho sa isang pizza store sa Milan ay tinamaan sa ulo ng Italiano habang pauwi ng bahay.

Dagdag pa ni Sison, nakatatanggap din siya ng masasamang mensahe sa pagkalat ng coronavirus sa Italy dahil napagkakamalan siyang Intsik.

Gusto ng umuwi ng Pinay worker ngunit hindi ito makaalis dahil sa travel ban ng nasabing bansa.