Pinoy nag-ala Justine Bieber sa COVID-19 infected ship

Upang siguruhin sa kanyang pamilya na sila ay ligtas sa kabila ng COVID19 virus outbreak sa isang luxury cruise ship, isang Pinay crew member kasama ang kanyang mga kasama ay nagsayaw ng Justin Bieber hit song.

Habang hinihintay nila ang 14-araw na quarantine period na nakasakay sa barko na naka-dock sa Japan, si Mae Fantillo ng Diamond Princess cruise ship ay inupload sa kanyang social media ang kanilang video na nagsasayaw ng ‘Yummy’.

“We all know that we were facing a crisis here in Diamond Princess due to NCoV but hey we still managed to smile, laugh and dance,” caption ng video tweet.

“For our Family and Friends to know that we were ok here and we will stand together as one until we finish the quarantine.” dagdag ng Pinay.

Nakakuha naman ng positive comments sa mga netizen ang nasabing video, kasama na rito ang manager ni Bieber na si Scooter Braun.

“Thinking of you all and keeping you in our prayers. Keep dancing and smiling. Thank you! I’m passing this video on,” tweet ni Braun.

Mahigit 3,700 pasahero ang naipit sa cruise ship at nasa 219 katao ang kumpirmado ng novel coronavirus.