Tila hindi nagustuhan ng netizens ang pagkakaroon ng Filipino live-action remake ng ‘Voltes V’ na sumikat noong 2000s.
Binahagi ng ‘Encantadia’ direktor Mark Reyes ang video teaser ng ‘Voltes V’ remake sa kanyang Instagram noong December 23, na kanyang dream project.
Magsisimula ang countdown ng paglabas nito sa December 31, Martes.
Naglabas din ng artikulo ang GMA tungkol sa pagpapalabas ng nasabing Japanese series na hindi naman sinang-ayunan ng ilang netizens.
Saad ng netizens, baka magaya lang umano ito sa pinagbidahan ni Alden Richards na ‘Victor Magtanggol’ na hindi pumatok dahil sa pagkakatulad sa Marvel character na si ‘Thor’.
Unang inilabas ang ‘Voltes V’ sa Japan noong 1977 at iniere din sa Pilipinas noong 1999 ng GMA.