Pinoy kumpirmadong may COVID-19 sa UAE

Isa ang Pinoy sa dalawang kumpirmadong kaso ng coronavirus (COVID-19) sa United Arab Emirates (UAE).

Ayon sa health ministry ng UAE, nasa stable condition na ang 34-year old Filipino at 39-year-old Bangladeshi.

Kinumpirma din ng ministry na nakuha ng dalawa ang sakit sa isang Chinese citizen.

Ito ang ikalawang Pinoy sa UAE na positibo sa COVID-19.

Ang unang kaso ay 43 taong gulang na lalaki noong Pebrero 8 ay nailipat na sa medical facility dahil sa hindi bumubuting kalagayan nito.