May lunas na ang nakamamatay na sakit na dengue.
Ito ay dahil natuklasan ng isang Pinoy ang gamot na mabisang pangontra sa nakamamatay na sakit na dengue.
Sa isang ulat sa GMA-7 ay binanggit ni Dr. Rita Grace Alvero ang magandang balita.
Iginiit pa ng Pinoy na nakatuklas sa gamot, hindi bakuna o herbal supplement ang kanyang nadiskubreng gamot na may kakayanang labanan ang dengue virus.
Aniya ang gamot kontra dengue ay kanilang natuklasan kung saan gumamit sila ng tatlong herbs na tumutubo lamang sa Pilipinas.
Ang gamot laban sa dengue ay natuklasan ni Dr. Alvero pagkatapos pitong taon na pag-aaral at pagsusuri dito.
Ito ang unang beses na may nadiskubreng gamot sa dengue hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.
Paliwanag ng nakatuklas sa gamot na kapag uminom ng nasabing uri ng pangontra sa dengue ay malaki ang tsansang gumaling ito.
“So i-cure niya talaga ‘yung dengue,” ayon pa sa ulat.
Napatunayan na ring ligtas na inumin ang tableta, sabi pa ng imbentor.