Pinoy gumawa ng ‘virtual’ kulintang

Isang Pinoy musician ang lumikha ng app para makapaglaro ng kunlintang gamit ang mobile phones.

Ginawa ni Richard Tanfelix ang ‘Virtual Kulintang’ matapos sabihin ng kanyang kaibigan na wala pang app para sa nasabing musical instrument sa Google Play Store.

Dinivelop niya ang nasabing app habang lockdown sanhi ng coronavirus pandemic.

Ang kulintang ang ginamit na instrument ng 26-year-old musician sa kanyang ensemble class noong kumukha siya ng bachelor’s degree in Music.

“kulintang instrument is quite expensive as well so I created something that will atleast provide the students or teachers a way to play their instruments even if it is just virtual,” ayon sa post ni Richard.

Hindi pa available ang nasabing app sa Playstore, ngunit kung interesadong subukan ay maaring mag-request ng copy kay Richard.

Ang ‘Virtual Kulintang’ ay available lang para sa Android devices, ngunit gagawa rin ito para sa iOS users.