Pinoy galing UK, patay sa COVID-19

Isang Pinoy galing United Kingdom na kakauwi lang sa bansa ang nasawi dahil coronavirus.

Ito ang unang naitalang fatality sa probinsya ng Bulacan.

Nagawa pa nitong umattend sa birthday party sa San Ildefonso noong nakaraang linggo at kalaunan ay nagpositibo sa COVID-19 matapos kinakitaan ng sintomas.

Namatay ito sa isang ospital sa Metro Manila.

Mayroon ng limang kaso ng coronavirus sa Bulacan, kasama si Baliwag Mayor Ferdinand Estrella.