Pinoy film ‘Dead Kids’ sa Netflix may patikim

Inilabas ng Netflix ngayong araw, Nobyembre 14 ang trailer ng kauna-unahang Philippine-made original, “Dead Kids” na ipapalabas na sa Disyembre 1.

Ang ‘Dead Kids’ ay is obra ni Mikhail Red na kilala sa buong mundo dahil sa kanyang mga hinangaang pelikula gaya ng “Neomanila,” “Eerie” at “Birdshot,” ang unang Filipino film na mapapanood sa Netflix.

Dead Kids

Pagbibidahan ito nina Sue Ramirez, Khalil Ramos, Markus Paterson, Vance Larena, Kelvin Miranda, Gabby Padilla at Jan Silverio.

Pinrodyus ng Globe Studios ang pelikula at magkakaroon ng red carpet premiere sa Cinema One Originals film festival sa Nobyembre 17 sa Gateway Mall Cinema.