Pinoy COVID-19 cases abroad umabot na sa 517

Covid-19 cases world PhilippinesUmabot na sa 517 ang kaso ng mga Pinoy sa abroad na nagpositibo sa coronavirus, Sabado.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, ang 51 bagong kaso ay galing sa Amerika, Asia Pacific at Europa.

Sa ngayon ay 33 bansa o rehiyon na ang may Pinoy na nagpositibo sa COVID-19, na may 11% pagtaas.

Sa Asya, mayroong 113 na patuloy na ginagamot, 101 na ang naka-recover at isa ang patay.

Sa Middle East o Africa, 47 ang ginagamot, dalawa ang naka-recover at tatlo ang patay.

Sa Amerika, 29 ang patuloy na ginagamot, 19 ang naka-recover at 20 na ang namamatay.

Sa Europa, 154 ang ginagamot, siyam ang naka-recover at 19 ang patay.