Labing-tatlong miyembro ng Belize cargo ship ang nawawala matapos ang banggaan sa isang fishing boat sa Aomori prefecture, Sabado.
Ayon sa Japanese Coast Guard, ang 1,989-ton vessel na ‘Guo Xing 1’ na may 14 crew ay lumubog banda alas-10:15 ng gabi sa Pacific, 12 kilometerong layo sa baybayin ng Rokkasho.
Pinaghahanap ng coast guard ang pitong Chinese, limang Vietnamese at isang Pinoy.
Isang Vietnamese crew member naman ang nairescue na. Dala ng cargo ship ang 3,150 toneladang scrap metal galing Hachinohe, Aomori papuntang South Korea.
Wala namang nasaktan sa 15 crew ng fishing boat galing Hachinohe.