Pink nagka-coronavirus

Nagpositibo sa coronavirus ang singer na si Pink!

Ipinabatid ni Pink ang kanyang kondisyon sa kanyang Twitter account nitong Biyernes.

Pink coronavirus

“Two weeks ago my three-year-old son, Jameson, and I were showing symptoms of COVID-19. Fortunately, our primary care physician had access to tests and I tested positive,” ayon kay Pink.

Nag-self isolate ang singer sa loob ng 2 linggo at sa ikalawang test nya ay negatibo na siya sa coronavirus.

“This illness is serious and real,” paalala ni Pink.

“People need to know that the illness affects the young and old, healthy and unhealthy, rich and poor.”

Kaugnay nito, nag-donate ng US$ 1 milyon si Pink para tulungan ang mga apektado ng pandemic.

Sa naturang halaga, $500,000 ang inikaan ng singer sa Temple University’s Hospital Emergency Fund ay $500,000 sa Los Angeles’ crisis fund.