Ping Medina pinagsamantalahan ang ex ni Baron

Baron Geisler PIng MedinaUsap-usapan sa Twitter si Ping Medina matapos ibulgar ni Baron Geisler ang dahilan kung bakit niya inihian ang una noong 2016.

Nagbabala ang isang netizen tungkol sa pagiging sexual predator ni Ping, na sinang-ayunan naman ni Baron.

“True. My ex was raped by him and his friend,” reply ni Baron.

Ni-retweet ni Baron ang kanyang reply na may caption na: REASON Y I PEED.

Ilang netizens din ang nagkuwento tungkol sa parehong malisyosong alegasyon kay Ping.

Noong 2016, matatandaan na naging emosyonal si Ping ng binahagi nito na inihian siya ni Baron habang nagso-shooting ng kanilang pelikulang ‘Bubog.’

Dahil dito ay nagdesisyon ang direktor na alisin si Baron sa pelikula at palitan ng ibang aktor si Ping.

Wala pang pahayag si Ping tungkol sa mga alegasyon.