Pinay “Teacher of the Year” sa Virgin Islands

Itinanghal na “Teacher of the Year” si Cristina Senosa sa Virgin Islands noong Mayo 10.

Limang taong nagtuturo ng Social Studies si Senosa sa Ivanna Eudora Kean High School sa St. Thomas, U.S., Virgin Islands.

Matindi ang pinagdaanan ng mga nominadong guro sa kompetisyon kaya hindi ganon kadali ang pagkapanalo niya bilang “Teacher of the Year.”

Siya rin ang unang international teacher na nanalo sa kanilang distrito.

Itinanghal din siyang District Teacher of the Year noong Nobyembre 2020.

Matapos nito ay ang kompetisyon sa 2021-2022 State Teacher of the Year, kung saan siya ang kampeon ngayong buwan.

Ang susunod na kompetisyon naman ay ang National Teacher of the year sa 2022.