Pinay singer na-feature sa new NASA campaign video

Na-feature ang singer-songwriter Reese Lansangan at ang kanyang 2013 track na “A Song about Space” sa bagong NASA campaign ad.

Ang #LaunchAmerica campaign ad ay tungkol sa “new era of spaceflight that returns the ability to launch astronauts to the United States for the first time since the end of the Space Shuttle Program in 2011,” ayon sa kanilang website.

“One day over lunch, I got a DM from NASA,” kuwento ni Reese kung paano siya kinontact ng NASA para i-feature sa video.

“They said they loved my super old and embarrassing ‘A Song about Space’ video from my channel and asked if they could possibly use it for a promo vid,” dagdag pa nito.

Noong una ay nahihiya pa siya nasabing music video ng kanta, na kanyang inupload noong 2013, dahil sa braces at lisp ng singer ngunit hindi pa rin niya ito dinelete.

“I figured it’s part of my history [and] it’s fun to make fun of yourself every now and then! Little did I know, it would be the video that NASA would notice and end up watching… it just blows my mind!”

Si Reese ay kilala sa kanyang track na ‘Home’ na isinulat niya para sa kasal nina Pauleen Luna at Vic Sotto.