Pinay sa SG kulong sa pamemeke

Sinintensyahan ng pitong linggo pagkakakulong ang Pinay dahil sa pamemeke ng kanyang unibersidad para sa permanent residency sa Singapore.

Ayon sa statement ng Immigration and Checkpoints Authority (ICA), pineke ni Noriza Dancel De Luna noong 2008 ang kanyang unibersidad na tinapos sa Pilipinas, ganon din para sa kanyang anak noong 2009.

Napag-alaman na hindi grumaduate si Dancel sa Centro Escolar University na naghudyat sa kanyang pagkaaresto noong October 25, 2017.

Nagbabala ang ICA sa mga mahuhuling namemeke ng kanilang impormasyon ay maghahatulan ng kaukulang parusa.