Pinay sa Greece positibo sa COVID-19

Isang Pinay ang positibo sa coronavirus sa Greece, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa statement ng DFA, kinumpirma ng Philippine Embassy sa Athens na nasa isolation na ang Pinay.

Patuloy na magmo-monitor ang embahada sa lahat ng Pinoy sa Greece sa kanilang pangangailangan.

Magkakaroon na rin ng shutdown sa border ng Greece, maliban na lamang sa kanilang mamamayan, European Union residents at mayroong special permits.