Pinay nurse binigyan ng bahay ni Michael Buble

Sa isang episode ng “Celebrity IOU”, naikwento ni Michael Buble ang hiling ng kanyang lolo na mabigyan ng sariling tahanan ang kanyang tagapag-alaga noong ito ay nabubuhay pa.

“I hired Minette, the nurse, to come and live with him and by the end, (she) was his best friend,” kuwento ni Michael sa mga host ng show na sina Jonathan at Drew Scott.

https://www.youtube.com/watch?v=KSSRqD1x8J0

Ibinahagi rin ng singer na ang lahat ng nakukuhang sweldo ni Minette galing sa pag-aalaga sa kanyang lolo ay ipinapadala lahat nito sa kanyang pamilya sa Pilipinas.

“She’s really a special beautiful woman,” ayon pa kay Michael.

“I think my grandpa would be thrilled knowing that maybe we could lessen the burden a little bit, allowing Minette to continue helping her family without it being so hard on her,” dagdag pa nito.

Sa tulong ng magkapatid na host ng show (Scott brothers), ni-renovate ni Michael ang bahay ng kanyang lolo bago niya ito ibigay kay Minette na kasalukuyan pang nagbabakasyon sa Pilipinas noong mga panahon na iyon.

Ayon sa report ng “Entertainment News”, kinailangan ni Michael na magpa-MRI sa kasagsagan ng pagkukumpuni ng bahay habang gumagamit ng sledgehammer.

“I don’t know what I did. It was so bad that I went and got an MRI after,” kuwento ni Michael sa ET.

Noong dumating na ang oras na kailangan nang ipakita ni Michael ang sorpresang bahay kay Minette, ginawan ni Michael ng alibi si Minette at sinabing gumagawa lamang sila ng isang dokumentaryo para sa kanyang lolo.

Walang ideya si Minette sa sorpresang naghihintay sa kanya habang papunta sila ni Michael sa bahay na mapapasa-kanya sa huli.

Hindi maipaliwanag na luha at tuwa ang naging reaksyon ni Minette ng ito ay ipaalam na sa kanya ni Michael.

“My grandfather, his greatest wish was not just that I kept this house in the family, but it was that this would be your home cause he loved you so much and so there is no documentary this is all for you,” paglalahad ni Michael.