Pinay na inararo sa Lucky Plaza-Singapore, ligtas na!

Ligtas na ang isang Pinay na kabilang sa anim kataong sinalpok ng isang sasakyan sa Singapore, bago magtapos ang 2019.

Kinilala ang biktimang si Arceli Nucos.

Bagama’t tiyak na ang kaligtasan ay hindi pa ito maaring kausapin ng kanyang pamilya dahil sa maselang kondisyon, ayon pa sa ulat.

Bukod kay Arceli ay kasama nitong nabundol ang kapatid na si Arlyn habang naglalakad sa Lucky Plaza.

Naglalakad ang magkapatid nang salpukin ng isang sasakyan na minamaneho ng hindi pa tukoy na driver.

Ang trahedya ay nagdulot ng kamatayan ng dalawang Pinay.

Apat na iba pa naman ang nasaktan sa aksidenteng nangyari noong Disyembre 29, 2019.