Pinay hinirang na ‘conservation hero’ ng WWF

Binigyang pagkilala ang isang Filipino mountaineer, kasama ang iba pang babae, sa World Wildlife Fund (WWF).

Ang mapalad na Pinay na pinarangalan bilang “Role of Women in Environmental Conservation” ay ang mountain climber na si Carina Dayondon.

Carina Dayondon
Carina Dayondon (IG)

Ang Pinag climber ay hinirang bilang isa sa mga Conservation Hero ng international environmental group na WWF.

Napag-alamang si Dayondon ang unang Pinay na nakaakyat sa Seven Summits o ang pinakamatataas na bundok sa pitong kontinente.

Kabilang sa mga ito ang Mt. Denali sa North America (2006), Mt. Everest sa Asia (2007), Mt. Elbrus sa Europe (2013), Mt. Kosciuszko sa Australia (2014), Mt. Kilimanjaro sa Africa (2015), Mt. Aconcagua sa South America (2018), at Mt. Vinson Massif sa Antarctica (2018).

Ang Conservation Heroes Award ay itinatag noong 2009, kung saan naging awardee na ang ilang bata, mangingisda, artista, atleta, at mga community leader.