Pinay, head chef sa Michelin Plate resto sa Macau

Isang Pinoy chef ang kamakailan ay hinirang bilang head chef ng Voyages by Alain Ducasse, na recipient ng Michelin Plate award for restaurants sa Morpheus Hotel, City of Dream, Macau.

Si Safa Nessmarie Rodas ay isang Pinay chef na taga-Maasin City, Southern Leyte.

Kinilala ni Safa ang kanyang alma mater, ang Enderun Colleges, na tumulong na humubog sa kanyang kakayanan.

“I am a young Filipina woman, leading a very dynamic and intercultural kitchen team in Macau⎯already a challenge in itself⎯but as long as I believe in what I can do, and look back to all the lessons I learned, I know I will get through anything,” pagbabahagi nito.