Pinay food scientist tampok sa Google

Binigyan ng pagpupugay ng Google ang isang Filipino food scientist na imbentor ng banana ketchup.

Si Maria Ylagan Orosa na nagdiwang ng ika-126 birth anniversary ay itinampok sa Google Doodle.

Maria YlaganOrosa
A tribute portrait of Maria Ylagan Orosa inventor of the banana ketchup, courtesy of Google doodle.

Kilala si Orosa na tubong Taal, Batangas na nag-imbento ng banana ketchup.

Si Orosa ay nakapagtapos ng bachelor’s at master’s degrees in pharmaceutical chemistry and food chemistry sa University of Seattle.

Bumalik siya sa Pilipinas taong 1922 para tumulong sa problema ng malnutrisyon sa bansa.

Si Orosa rin ang nakaisip ng palayok oven na nagagamit sa mga remote village na walang kuryente, Soyalac na imasustansiyang soya beans drink at Darak, rice cookies na mayaman sa vitamin B1.