Nagwakas ang kamanyakan ng isang mag-amang Arabo sa isang Pinay domestic helper sa Saudi Arabia matapos itong mailigtas ng mga tauhan ng embahada ng Pilipinas sa Al-Khobar.
Bago nasagip ang hindii na pinangalanang Pinoy DH ay madalas umano itong makatikim ng pangmamanyak sa kamay ng mag-amang amo.
Madalas din umano siyang pasukin sa kanyang silid dahil walang kandado pero nagagawa niyang manlaban.
Maging ang matandang amo ay pinagtangkaan rin siyang halayin subalit hindi ito nagtagumpay.
Dahil sa takot na maulit pa ang pangmamanyak ay nagdesisyon ang Pinay DH na isumbong sa mga opisyal ng embahada ng Pilipinas ang sinapit.
Agad itong binawi ng mga embahada ng Pilipinas habang iniimbestigahan ang pangyayari para makasuhan ang mag-amang suspek.