Pinay bibida sa ‘The Platform’

Isa sa cast ng Spanish thriller ‘The Platform’ ang Pinay na si Alexandra Masangkay.

Ang Pinay-Spanish actress na gumanap na ‘Miharu’ sa Netflix film, ay pinanganak sa Barcelona, Spain ngunit ang kanyang mga magulang ay galing sa Batangas.

Alexandra Masangkay The Platform

Unang nakilala ang 27-year-old actress nang sumali ito sa Spanish version ng American Idol noong 2011 at napabilang sa musical series na ‘Dreamland’ noong 2014.

Ang pelikulang ‘The Platform’ ay tungkol sa vertical prison kung saan lahat ng nasa itaas ay nakakakain at ang mga nasa ibaba ay nagugutom.