‘Pinas sprayhan ng pesticide para patay lahat — Duterte

Nanggalaiti na naman si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kritiko ng gobyerno partikular ang mga dilawan na hindi anya makuntento sa mga ginagawa ng kanyang administrasyon.

“‘Wag ho kayong maniwala diyan. Sus, itong mga dilawan. Lalo na, I hate to mention her name, itong si Leni kung anu-ano ang pinagsasabi,” birada ni Pangulong Duterte kay Robredo sa kanyang ‘Ulat sa Bayan’ nitong Lunes ng gabi.

“Alam mo Leni kung gusto mo, if you really want to do away with the COVID, i-spray-han natin itong Pilipinas o Manila ng pesticide galing sa eroplano para patay lahat. You cannot exterminate the COVID by itong ano lang ngayon. The only thing that we can do really is wear a face mask and wait for the vaccine,” pahayag pa nito.

“Do not delude the people na bobolahin niyo, we are not doing enough… Para idiin itong administrasyon,” dagdag nito.