Tumanggap ng pagkilala ang Pilipinas mula sa Sports Industry Awards Asia (SPIA Asia) dahil sa hosting sa 30th Southeast Asian Games.
Ang pagkilala sa kakayahan ng Pilipinas ay pinangunahan ni SPIA Chief Executive Officer Eric Gottschalk.
Ipinagkaloob ang award ng SPIA sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) sa gala noong Disyembre 3 sa Grand Hyatt Manila.
Kinilala ng SPIA ang PHISGOC dahil sa world-class opening ceremony ng SEA Games at pag-organisa sa kabuuang 56 sports at 530 events.
Ang SPIA Asia ay isang leading sports awards platform sa Asya.