Pinas handa sa novel coronavirus outbreak-Duterte

Naghahanda na ayon kay President Rodrigo Duterte ang gobyerno sakaling magkaroon ng outbreak sa nakamamatay na sakit na novel coronavirus.

Dahil isang misteryosong sakit, iginiit ni Duterte ang paglimita sa mga taong paparating ng bansa sa pamamagitan ng paghihigpit sa lahat ng port.

Sa pinakahuling ulat nasa 23 katao na ang kinukunsiderang patient under investigation (PUI) sa pagkakaroon ng novel coronavirus.

Sinabi ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na karamihan sa mga tinitingnan sa novel coronavirus ay naka-isolate sa mga ospital sa Metro Manila.