Pinakamatandang tao sa mundo nasa ‘Pinas

Isang babae sa Negros Occidental ang maaaring pinakamatandang taong nabubuhay sa mundo.

Ayon sa report, si Francisca Susano ay 122 years old. Inabutan niya ang lahat ng president sa Pilipinas, simula kay Emilio Aguinaldo.

Ayon sa apo ni Francisca, ang sekreto ng kanyang lola ay tumugtog ng harmonica para sa kanyang lung exercise, o di kaya ay pagkanta.

Nagsi-stretching din ito at kumakain sa oras at mahilig sa gulay, gaya ng kalabasa, talong, okra at gabi.

Umiinom din ito ng honey.

Vini-verify pa ng Gerontology Research group ang dokumento ni lola sa tulong ng gobyerno, bago madeklarang pinakamatandang taong nabubuhay ng Guinness World Records.