Pinakabatang COVID-19 survivor, pumanaw na

Pumanaw na ang 16-day old COVID-19 survivor na si Baby Kobe na na-confine sa National Children’s hospital.

Si Baby Kobe ang pinakabatang coronavirus survivor sa bansa.

Sa kasamaang-palad, ibinalik ulit sa ospital ang baby noong Mayo dahil sa lumalaki ang kanyang tiyan.

Nanatili ulit ito sa ospital nang halos isang buwan bago bawian ng buhay.

Ayon sa kanyang ama, hindi pa umano fully develop ang organs ni Baby Kobe kaya hirap itong makadumi at may impeksyon sa dugo.

Binawian ng buhay ang sanggol nitong Huwebes, Hulyo 4, alas-una ng madaling-araw.