Pinakabatang biktima patay sa COVID-19

Ang pitong taong gulang na babae sa Ilocos ang pinakabatang biktima ng COVID-19 na namatay sa Pilipinas.

Ayon sa Department of Health, ang bata ay Patient 2415 at ika-107 na namatay dahil sa coronavirus.

Namatay ang bata nitong Marso 26, limang araw bago lumabas ang resulta ng kanyang test, at wala itong travel history.

Hypovolemic shock secondary to acute gastroenteritis, severe dehydration, pediatric community-acquired pneumonia ang nakalistang cause of death ng bata.