Pinaghihinalaang may COVID-19, patay habang nag-aantay ng resulta

Patay ang 65 taong gulang na lalake na empleyado ng House of Representatives habang nag-aantay ng kanyang resutla sa COVID-29 test.

Ayon kay House Secretary General Jose Luis Montales, ang nasabing empleyado ay pumunta ng St. Luke’s Medical Center sa Quezon City nitong Marso 10 matapos magkaroon ng sinat.

Kinabuksan ay nagkaroon na ito ng dry cough at lagnat.

Bumalik ito ng St. Lukes matapos ang dalawang araw dahil lumala ang kondisyon nito.

Nilagay siya sa critical care unit at tinest para sa COVID-19.

Walang travel history ang pasyente at walang known exposure sa confirmed case.

Bago pa nito, dalawang empleyado na ng Kongreso ang na-diagnose na may COVID-19.