Pilipinas No. 1 na sa COVID-19 sa Southeast Asia

HAWAK na ng Pilipinas ang top spot sa COVID-19 infection sa buong Southeast Asia matapos ungusan ang Indonesia ng halos 3K kaso nitong Huwebes, Agosto 6.

Nauna rito ay nalagpasan ng Pilipinas ang China kung saan nagmula ang COVID-19.

Sa datos ng Department of Health nitong Huwebes ay umabot na sa 119,460 ang kaso ng COVID positive sa Pilipinas, mas mataas sa 116,871 cases ng Indonesia na naitala noong Miyerkoles.

Maging sa active case ay pinakamaraming pa rin ang Pilipinas na nasa 50,473 kaso ngayong araw.