Picture ng baby ni Sen. Koko nilabas

Binahagi ni Kathryna Yu, asawa ni Senator Koko Pimentel ang picture ng kanilang newborn baby.

Nagpasalamat si Kathryna sa panibagong buhay matapos manganak sa kanilang panganay na babae.

Nangako rin ito na babawi siya sa mga ‘unexpected people’ na tumulong sa kanila.

Noong nakaraang linggo ay nasangkot ang senador sa kontrobersiya matapos nitong samahan si Kathryn sa ospital kahit nag-positibo na ito sa COVID-19.

Negatibo naman ang mag-ina sa coronavirus.