Pics ni Momoland’s Nancy habang nagbibihis, kumalat

Nancy MomolandKumakalat ngayon online ang edited at nude pictures ni Momoland member Nancy, na sekretong kinunan ng isang miyembro ng kanyang agency habang nagpapalit backstage.

Nitong Lunes, naglabas ng statement ang kanyang agency MLD Entertainment na maghahain sila ng legal action laban sa kumuha ng video, at sa mga nagpakalat ng pictures online.

Ang nasabing mga larawan ay kinunan habang nagbibihis backstage si Nancy sa Asian Artist Awards sa Hanoi, Vietnam, noong November 2019.

“Nancy is currently suffering from a great amount of mental distress. We hope there will be no more malicious posts related to our artist,” ayon sa statement ng MLD Entertainment.

Si Nancy ay Korean-American na sumali sa Momoland noong 2016, na isa sa mga winners ng reality TV show “Finding Momoland.”