Pia Wurtzbach, Pauleen Luna at chef Niña Almoro magkasosyo sa milk tea

Bestea Milk TeaNagsosyo ang mag-besties na sina Pia Wurtzbach, Pauleen Luna Sotto at chef Niña Almoro ng milktea business.

Kamakailan ay nagkaroon ng soft opening ang kanilang “Bestea Milk Tea” sa Festival Mall, Alabang.

Ilang buwan bago ang opening nito ay pinakita ng tatlo ang photoshoot nila sa kanilang bagong business.

Sey ni Pia, isang taon nilang pinagplanuhan ang kanilang milktea business.

Dinala naman ni Pauleen ang kanyang baby Tali sa site ng kanilang bagong business venture.

Magkakaroon pa umano ng ibang branch ang Bestea sa Trinoma at ilang SM Malls.