Wala pa ring reaksyon hanggang ngayon si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa paninira sa social media ng nakababatang kapatid na si Sarah.
Linggo nang mambulabog sa social media ang sister ni Pia na si Sarah.
Masasakit na salita at matinding mga akusasyon ang ibinato nito sa beauty queen.
“Nag-iisa mong kapatid ayaw mong suportahan tapos mangdadamay ka palagi ng ibang tao na wala naman sa usapan. Kung alam lang ng ibang tao kung gaano kabaho ugali nyo ni mama,” ani Sarah kung saan minura pa nito ang si Pia at kanilang ina gamit ang Instagram account nito.
Marami pang masasakit na salitang binitiwan si Sarah para sa kapatid pero nabura na kalaunan at nag-private ito ng account.