Pia Kylie Megan Angelia Harper's Bazaar Vietnam

Tila naging Temptation Island 2021 ang photoshoot nina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Miss World 2013 Megan Young, Miss International 2016 Kylie Versoza and Miss Earth 2015 Angelia Ong para sa cover ng Harper’s Bazaar Vietnam.

Sa social media, binahagi ng mga beauty queen ang kanilang photos from the shoot for the 10th anniversary of the international magazine.

Shinare ni Pia sa Instagram ang kanilang version ng 1980 film Temptation Island, na nagkaroon din ng remake noong 2011.

“Walang tubig. Walang pagkain… ‘Di magsayaw na lang tayo!” quote ni Pia na famous line ng naturang movie.

Sa isa namang set of photos, nagbihis 90s supermodel naman ang apat.

“Sugar, spice, everything nice and glamorous,” sey ni Megan.

At ang kanilang huling set ay nakasuot silang lahat ng all-black daring outfits.