Sa bihirang pagkakataon, isang batang Philippine eagle ang nakita sa kagubatan ng Mt. Apo sa Davao.
Sa post ng Philippine Eagle Foundation, ang naturang agila ay isang taong gulang na natagpuan sa Mount Apo Natural Park.
Ang monkey-eating eagle o mas kilala na Philippine eagle ay ‘critically endangered’ species, na mayroong 400 pairs na lang ang nasa wild.