Philippine ambassador patay sa COVID-19

Namatay ang Philippine ambassador to Lebanon dahil sa komplikasyong dulot ng coronavirus, Huwebes.

Kinumpirma ito ng Department of Foreign Affairs sa kanilang statement na inilabas.

“With deep sadness, the Department of Foreign Affairs announces the untimely demise on April 2, 2020, of Ambassador Bernardita Catalla, Philippine Ambassador to Lebanon, from complications arising from COVID-19.”

Si Ambassador Bernardita Catalla ang nanguna sa boluntaryong mass repatriation ng mga Pinoy sa Beirut simula noong Disyembre.

Siya rin ang unang diplomat na nasa active service na namatay sa coronavirus.

Sa ngayon, 121 Pinoy na nasa aborad ang tinamaan ng COVID-19, ayon sa Department of Health.