UMALMA si Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) President and Chief Executive Ricardo Morales sa pagsasapubliko ng kanyang medikal na kondisyon.
“As President and Chief Executive, it is my duty to represent the corporation while still physically capable.
I regret that my privacy was not respected,” komento ni Morales matapos ipaalam ng Senado ang kanyang kalagayan dahilan para hindi ito makasipot sa itatakdang pagdinig ng Senado kaugnay sa alegasyon ng korapsyon sa ahensya.
Gayunman ay sinabi ni Morales na handa siyang makipagtulungan sa gagawing imbestigasyon ng Senado.
Nauna rito ay nagsumite si Morales ng kanyang medical certificate bilang isa sa requirement ng Senado sa hindi pisikal na pagdalo sa imbestigasyon.
Si Morales ay na- diagnose na may cancer noong Pebrero at sumasailalim sa chemotherapy pero sa kabila nito ay nagpapatuloy ito sa pagtupad bilang pinuno ng PhilHealth.