PH embassy sa Libya to the rescue sa Pinoy nurses

Walong Pinoy nurse ang sinaklolohan ng Philippine Embassy sa Libya sa kasagsagan ng nangyayaring giyera sa nasabing bansa.

Ang pagsalba sa walong Pinoy nurses ay kinumpirma ng Philippine Embassy sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Nasa pangangalaga na ng embahada ang mga iniligtas na nurses.

Sa ulat ng embahada ang mga Pinoy nurses at na-rescue noong Enero 2 ng hapon mula sa isang clinic, kung saan nangyayari ang sagupaan ng mga rebelde at mga tauhan ng Libya government.

“We left the Embassy in three vehicles. Along the way we encountered several pickup trucks with mounted heavy weapons, including one with rocket launchers, headed towards the frontline,” ayon sa statement sa Facebook page ni Chargè d’ Affaires Elmer Cato.

“The main highway was blocked and only fighting vehicles were allowed to pass through.

We were forced to take the side streets to reach the clinic,” ayon pa sa embassy official.