PH embassy binuksan muli Sweden

Sweden PhilippinesNagbukas muli ang Embahada ng Pilipinas sa Stockholm, Sweden matapos ang walong taong pagkasara nito.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, ang embahada ay magbibigay ng consular services tulad ng passport at visa extensions sa mga Pinoy sa Sweden at Finlad, na dati ay sa Oslo, Norway ginagawa.

Nagsarado ang embahada noong 2012 dahil sa ‘economic constraints.’ Sa mga nais makinabang sa serbisyo ng embahada, kailangan mag-abiso at tumawag sa +46-7253-5407 o mag-email sa stockholm.pe@dfa.gov.ph.

Para sa consular application gaya ng passport extension, visa at civil registry ay available lamang dalawan beses sa isang linggo at ang passport renewals ay kailangan pa rin gawin sa Oslo.

Tatanggap na ang embahada ng mga aplikasyon sa May 19 at May 21, simula 9 a.m hanggang 2 p.m. Nasa 15,000 na overseas Filipino workers ang nagtatrabaho sa Sweden at 4,000 naman sa Finland.