Nagtapos sa 5th runner-up ang pambato ng Pilipinas na si Katrina Llegado sa Reina Hispanoamericana 2019 na ginanap sa Bolivia nitong Linggo.
Ang pageant trainer Aces and Queens ang nag-share ng video announcement sa kanilang social media.
“Congratulations, Katrina Llegado for being the 5th Finalista of Reina Hispanoamericana 2019! We are so proud of you,” caption ng kanilang official page sa Instagram.
Nanalo ang Mexican na si Regina Peredo Gutierrez.
Una nang naantala ang nasabing pageant noong October 2019 dahil sa election-related violence sa Bolivia.
Ang actress na si Wynwyn Marquez ang kauna-unahang Pilipina na nakakuha nang korona.