Period of National Mourning pinroklama para kay PNoy

Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang June 24, 2021 hanggang July 3, 2021 bilang Period of National Mourning kaugnay sa pagpanaw ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Ang Period of National Mourning ay nakapaloob sa Proclamation no. 1169 na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Bilang bahagi ng pagluluksa ay ilalagay sa half-mast ang watawat ng Pilipinas mula sa umaga hanggang hapon sa lahat ng gusali ng mga tanggapan ng gobyerno at mga instalasyon sa buong bansa at maging sa mga embahada ng Pilipinas sa ibang mga bansa.

Tatagal ang half-mast sa loob ng sampung araw.

“President Rodrigo Duterte signed today Proclamation no. 1169 , declaring June 24,2021 to July 3, 2021 as a Period of National Mourning over the passing of former President Benigno Simeon C. Aquino III,” anang proklamasyon.

“Let us continue to pray and pay respects to the former President who gave his best to serve our nation and our people,” ayon pa sa proklamasyong inilabas ni Duterte.