‘Percy Jackson’ magkakaroon TV series

Magkakaroon na ng television series ang “Percy Jackson & the Olympians.”

Inanunsiyo ito ng author ng libro na si Rick Riordan sa kanyang Twitter account.

“After a lot of hard work, and a lot of support from you guys, Percy Jackson is coming to Disney+,” saad ni Riordan sa video announcement kasama ang kanyang asawa na si Becky.

Siniguro din nito na masusunod ang storyline ng original book series.

“Rest assured that Becky & I will be involved in person in every aspect of the show.”

Ang “Percy Jackson & the Olympians” ay isang book series tungkol sa Greek mythology na kinukuwento ni Percy, na isang normal tao na kalaunan ay madidiskubre na anak ni Poseidon.

Nagkaroon na ito ng dalawang live action movies na hango sa dalawang libro, ang “Percy Jackson and the Lightning Thief” noong 2010 at “Percy Jackson: Sea of Monsters” noong 2013.