Pera naibalik sa may-ari matapos ang 3 taon

Viral ang post ng isang babae na nawalan ng pera noong taong 2017 sa Davao City.

Sa post ni Cesnee Tan, nawalan siya ng pera sa Pastil BBQ eatery sa Davao City noong 2017 at hindi na nakabalik dito ng ilang taon.

Makalipas ang ilang taon ay kumain ulit siya sa nasabing kainan at laging gulat niya nang lapitan siya ng may-ari na si Rosalina Garcia at ibinalik sa kanya ang P3,000 cash.

Ang nakakamangha pa umano, hindi nagalaw ang perang kanyang naiwan.

May isang customer ang nakapulot ng kanyang pera at ibinigay ito sa eatery kung sakali siya ay bumalik ay maisasauli.

Nakilala naman ni Garcia si Tan dahil loyal customer umano ito noon nung nag-aaral sa malapit na law school.

Nagpasalamat naman si Tan kay Garcia sa katapatan na ipinamalas nito.